Saktong alas kwatro ng madaling araw ng bumalik sa dating katauhan ni si Khalil. Matapos niyang linisin ang mga nagkalat na dumi at pabanguhan ang loob ng sasakyan ay nagpatuloy na sila sa pagbiyahe. Nakasakay na rin sila sa ferry boat. Manghang mangha si Janine sa ganda ng karagatan. Naalala tuloy niya iyong paglalayag niya noon, anim na taon na ang nakararaan. Noong panahong tila wala siyang patutunguhan ng maglayas siya mula sa kanila. Aliw na aliw din siya sa kagandahan ng karagatan at kapayapaan niyon. Sabayan pa ng mga isdang lumilipad at may nakasabay pang mga dolphins sa paglalakbay nila. Tapos muli ngang may mga isdang sumabay sa kanilang paglalagay. Kaya naman si Janine parang batang napatalon pa ng makita ang mga isda, tuwang tuwa ito. Kahit siya ay nasiyahan dahil kahi

