Kinabukasan matapos magbalik sa dati nitong anyo si Khalil ay naghanda na sila sa pag-alis pauwi ng probensya. Wala na silang dinalang kung ano basta mga sarili na lamang nila at ilang pirasong damit dahil ang balak ni Khalil ay babalik din kaagad sila ni Janine sa Manila. Kahapon matapos umalis ng kanyang mga tropa ay nag-usap sila ng kanyang Daddy, maayos na pag-uusap at tinanong siya nito ng mga nangyari sa kanya noong pagkatapos birthday niya. Hanggang sa ngayon ngang nandito na ito. Kinuwento niya lahat pati na kaliit-liitang detalye sinabi niya lahat dito para naman kung halimbawang alam din nito ang prosesong sinasabi ng kanyang Mama para mawala ang sumpa ay magawa nito ng tama. At malaman nito ang bawat detalye ng nangyayari sa kanya para alam nito kung papano ang gagawin p

