Napabalikwas ng bangon si Khalil ng ibalita sa kanya ni Janine na nasa sala ang kanyang Daddy. Kunot noong napatingin siya kay Janine at muling tinanong ito kung totoo nga bang nandiyan ang kanyang Daddy dahil hindi niya inaasahan na magtutungo ito dito sa Manila. "Oo nandiyan siya sa sala kasama niya ang mga tropa mo. Nagulat nga rin ako pagbukas ko ng pinto tapos siya ang nakita ko eh. Kasama niya yung mga tropa mo, yung mga naglalaro sa gym ng basketball pero wala si Kuya Larry siguro pumasok siya sa school." wika ulit sa kanya ni Janine. "Gano'n ba, sige lalabas ako pero pwede bang pakikuha akong t-shirt dahil basang- basa ng pawis 'tong t-shirt ko. Magpapalit muna ako bago lumabas, nakakahiya kasi baka may amoy pa ako ng laway ko." Pakiusap niya kay Janine. "Oo nga pala kuya, hi

