"Woi, van mukhang mamahalin ito ah, kanino kaya van yan. Hmmm mukhang bagong-bago ha, sino kayang pupuntahan nyan kina Khalil." wika ng isang lalaki habang sinisiyasat ang van na dala-dala ni Fidel. Bago kasi ang itim na van na nakapark mismo sa tapat ng inuupahang bahay ng kaibigan nilang si Khalil. Nagtungo sila doong magkakaibigan dahil mahigit isang linggo ng hindi nila nakikita si Khalil, balak sana nilang dalawin ang kaibigan. Naiiling naman na natingin lamang si Fidel sa mga pasaway na kabinataan. Pagtitripan pa yata ng mga ito ang kanyang sinasakyan, mukhang inaakala ng mga ito na walang taong sakay ang van. Tented ang salamin ng kanyang van kaya akala siguro ng mga ito ay walang tao sa loob kaya naman pasilip-silip ang mga pasaway. Pero mukhang kilala ng mga kabinataang ito

