Sa sobrang kasiyahan ay hindi sinasadyang bigla niyang nayakap niya ang kanyang kuya Khalil. Huli na para marealized niya iyon, agad itong napatikhim at siya naman ay bahagyang lumayo dito. "S-Sorry Kuya." Nakangiwing hinging paumanhin niya dito. Hindi naman siya nasisiyahan dahil sa mamahalin ang binili nitong iyon kundi dahil sa palagi siyang inaalala nito para hindi siya mahirapan. Kahit na nangyari ang gano'ng bagay sa kanila kagabi hindi pa rin nawawala dito ang gano'ng ugali. Kaya naman tama lamang talaga na umasta na lamang sila bilang magkapatid kasi parang mas masarap pa nga iyong gano'n. Talagang naaalagaan siya ng kanyang kuya, kesa yung ganun na may special na pagtingin nga naman ito sa kanya pero iyon nga lang nagkakailangan sila at nagkakatampuhan. Kaya mas mainam na