KABANATA 49

2000 Words

Hahayaan na lamang sana niyang ang katulong ang humarap dito, pero naisip niya na baka hindi masagot ng tama ni Manang ang mga tanong ni Kapitan. Baka paghinalaan pa nito ang kanyang asawa. Kailangan lamang na makagawa siya ng palusot sa mga ito para maging ligtas si Fidel. Kaya minabuti niyang lumabas na lamang para harapin ang nga ito. Nakita pa niya na medyo lumayo ang ilang mga kasamahan ng mga ito at balak yata ay maghalughog pa sa kanyang nasasakupan. "Bakit Manang, may mga tao po yata. Sino ang mga bisita natin?" kunwari ay tanong niya sa kasambahay tsaka minabuti niya na lumabas at lumapit sa mga ito. Hindi kasi pwedeng magtago siya dahil lalo siyang mahalata ng mga ito na may itinatago kaya minabuti niyang lumabas para mapapaniwala ang mga ito na hindi aswang ang kanyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD