Panay ang tingin ni Corazon sa relong pambisig niya dahil tinitignan niya ang oras ng pagdaan ng mga nagroronda. Kailangang mapalipas muna niya ang mga nagrurondang tanod bago siya lumabas ng Villa kasi siguradong magtatanong ang mga ito at magtataka kung bakit lalabas siya ng bahay ng ganoong oras na gabi. Ngunit malapit na mag 8: 00pm ay hindi pa rin dumadaan ang mga nagroronda. Sobra-sobra na ang pag-aalala niya sa kanyang asawa hindi maaaring magpabayaan niya ito ng tuluyan. Kailangan niyang makaalis agad dahil kagabi pa nasa hindi magandang kalagayan ang kanyang asawa. Baka kung ano na ang mangyari dito. Kapag talaga may mangyaring masama sa asawa nya hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili dahil siya ang dahilan kung bakit gabi-gabi itong umaatake. Kung sana kabiluhan ng buw