Minabuti niya na mahiga na lamang sa sofa ayaw niyang tumabi kay Janine dahil natatakot nga siya baka mahalata nito ang mga ka-demonyohan na ginawa niya kagabi. Ang tagal muna niyang nagmuni-muni, nag-iisip siya kung ano ang kanyang dapat gawin sa susunod na atakehin siya. Hindi kasi niya batid kung kaya pa niyang kontrolin ang sarili na wag pumatay ng tao. Kagabi aso ang kanyang biniktima. Nakakaawa din ang mga iyon pero wala siyang pagpipilian kundi ang mga ito na lang ang biktimahin kesa tao pa ang kanyang mabiktima. Hanggang sa hindi niya napansin na nakatulog na ulit pala siya sa sofa. Kinaumagahan naman ay nagising si Janine sa nagkakaingay na mga tao sa labas. Napakunot noo siya ng mapansin hindi niya katabi ang kanyang mahal sa pagtulog. Ngayon lamang siya nagising sa umaga n