KAKAIBA ang araw na iyon para kay Ahtisa. Buong maghapon kasi niyang hindi nasilayan sa ubasan si Ran. Kahit ano’ng ikot ng tingin niya sa kaniyang paligid, ni tuktok ng ulo nito ay hindi niya nakita. Makikita pa kaya niya ang binata? Bigla, parang kulang ang buong maghapon niya dahil hindi niya ito nakita. Samantalang noong isang araw, halos pagtaguan niya ito. Tapos ngayon, hinahanap naman niya ang presensiya nito. Kasalanan ng masarap nitong halik. Totoong hinahanap-hanap niya. Slight pa siyang hindi nakatulog kaagad dahil sa pag-iisip dito. Mayroong time na gusto niyang itanong kay Ayrah kung kilala ba nito si Ran. Bigla siyang naging interesado sa binata. Pero hindi naman niya magawang itanong sa dalaga. Araw na ng Biyernes. Dalawang araw pa at sasahod na sila sa ubasan. Sa ara

