Chapter 16

1570 Words

“BAKIT ayaw po ninyong isuot ang magaganda ninyong mga damit kapag lalabas ng Casa Mariana, Señorita?” hindi napigilang itanong ni Ayrah nang manghiram si Ahtisa rito ng damit. Nginitian naman niya si Ayrah. “Ayaw kong maging agaw pansin ang suot ko, Ayrah,” dahilan na lamang niya. Isa pa, magaganda at mamahalin ang mga kasuotan niyang dala sa San Roque. Isinisigaw ng mga iyon ang totoong estado niya sa buhay. Ayaw naman niya iyong isuot sa harapan ni Ran. Baka magtaka pa ito na mukha siyang mayaman sa suot niya. “Sigurado po ba kayo na okay lang na isuot ninyo ‘yang mga damit ko? Ako po kasi ang nahihiya kasi kitang-kita na mga luma na.” “Ano ka ba? Okay na okay sa akin ‘tong mga ito. ‘Wag kang mag-alala dahil lahat ng damit ko, iiwan ko sa iyo pagbalik ko sa Manila.” Umawang ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD