Dahil sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso Clariz dahil sa kawalanghiyaan ng 'kasintahan' ay nilayasan niya ito. Aba'y kahit hindi na siya mag-aasawa kung kagaya lamang din nitong harap-harapang nanluluko! Tama na ang minsan niyang pagkabigo! Naniniwala na talaga siyang nuisance ang mga lalaki. "Ano ba?! Bitawan mo akong hayop ka!" Pagpapalag niya dahil sa may gana pa itong yakap-yakapin siya samantalang kitang-kita niya kung paano ito nagpakaimoral kasama ang kapwa talipandas! Ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas hinigpitan ang pagkayakap sa kaniya. Hindi lamang iyon, nagsimula ring maglandas ang mga palad nito sa kabuuan ng katawan niya. Hanggang ang isa nitong palad ay dumako sa mga dibdib niya. "Hmmmm," hindi niya tuloy naiwasang napaungol dahil dito. Lihim na napangiti

