"Who the hell are you?" inis na tanong ni Rizza nang iminulat ang mga mata. "Hi, Ma'am. How do you feel now?" bagkus ay balik-tanong nito. "Kapag ako ang mabuwesit ay talagang sisipain kita! Tinatanong kita kaya't huwag mo rin akong sagutin ng tanong! Who are you?!" Sa pagkakataon na iyon ay mas malakas na ang pagkatanong niya. "Don't worry, Ma'am. We are not here to hurt you. We are just here. Sumusunod lamang po kami sa utos." Nakangiti pa itong humarap sa kaniya. Kaya naman ay sumabad na rin si Enrico. Dahil sa pananalita ng mga ito ay hindi naman sila masasamang tao. Sa tagal niya sa pagiging surgeon ay masasabi niyang nababasa niya ang mukha at isipan ng mga tao. Dahil kung may masama silang balak laban sa kanilang mag-asawa ay sa daan pa lamang ay sinaktan na sila. "Iha, kahit m

