CHAPTER FORTY-FIVE - WHO ARE THEY?

1344 Words

Few days later... "Kumusta na ang pakiramdam mo, Kuya?" agad na tanong ni Rizza nang nagising ang kapatid mula sa isang linggong pagtulog. Mula nang maaksidente ito. Kaso hindi ito agad nakasagot dahil inayos ng hipag niya ang pagkaupo nito. "Hmmm, nalunok mo na rin ba ang dila mo?" Pagbibiro tuloy niya. "Ikaw naman, anak. Aba'y hintayin mo namang makasagot ang Kuya mo," tuloy ay saad ng ama nilang nasa kabilang bahagi ng hospital bed na kinahihigaan ni Marcus Xander. Kaya naman ay kahit masakit pa ang katawan niya ay hindi na rin napigilan ni Marcus Xander ang mapangiti. Pare-parehas na silang may edad ngunit hindi pa rin nagbabago ang bunso niyang kapatid. At mukhang naninibago pa rin ang kanilang ama. "Mahal, aba'y magsalita ka na kasi. Mamaya ay baka may dinaramdam ka pala," saad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD