CHAPTER FORTY-ONE - IPAKILALA MO ANG NAPUNLAHAN MO

1721 Words

"Nakikiramay kami, anak," tinig na nagmula sa tabi ni Rizza. Hindi man niya lingunin ang nagsalita ay kilalang-kilala na niya. Dahil ang tinig na iyon ay pagmamay-ari ng butihin niyang biyanang babae. "Wala nang ibang nakakaunawa sa nararamdaman mo ngayon kundi kami. Dahil ilang taon lamang ang nakalipas simula nang pumanaw ang Lolo ninyo. Samantalang ang Lola n'yo ay limang taon pa lamang ang nakalipas," dagdag pa ng biyanang lalaki. Kaya naman, sa nalulungkot niyang puso dahil sa pagpanaw ng ina ay iniangat niya ang paningin. Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga biyanang kagaya nilang sumugod sa La Union. Ang pagkakaiba lamang ay galing silang mag-asawa sa Espanya. Naiwan nga lamang ang mga anak nila dahil sa kani-kanilang trabaho. "Salamat po, Daddy, Mommy. Hindi ko lang maiwas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD