"Is this for good iha?" tanong ng kaniyang Ina habang iniimpake ni Denise ang mga gamit niya sa maletang nasa ibabaw ng kama niya. "Mom, kailangan po ako ni Simoun. Alam kong naiinis na siya or nagtatampo na sa akin dahil nandito ako sa Japan para asikasuhin ang business natin," malungkot na sagot ni Denise sa kaniyang Ina. "I understand. Alam kong mahal na mahal mo si Simoun at hindi mo siya tutulungan na makamit ang mga goals niya sa buhay kung hindi mo siya mahal. Ipinasok mo siya sa company natin para lamang makapag-aral siya. Sa tingin ko naman maiintindihan ka ni Simoun sa naging dahilan mo para manatili dito sa Japan." Bumuga nang malalim si Denise. "Mom, nasabi ko na po na iwasan na ninyong banggitin ang mha naitulong ng pamilya natin kay Simoun. Ayokong isipin ng magiging asawa