"Blooming ka ngayon a, Mari?" untag na tanong sa kaniya ni Joaquin ng pumasok ito sa kaniyang kuwarto. "Ano ka ba, araw-araw naman akong blooming a," nakangiting aniya sa kaibigan na masama ang tingin sa kaniya. "Mari, kilala kita. Alam kong may nangyayari na sa inyo ni Papa Sid kaya ka ganiyan. Tapatin mo nga ako, huwag mong sabihin na boyfriend mo na ang lalaking iyon." Kinagat ni Mari ang ibabang labi at saka tumango. "Ay gaga!" Sinabunutan ni Joaquin ang kaniyang buhok. Isang hila lamang iyon pero pakiramdam niya matatanggal na ang kaniyang buhok sa anit niya. "Aray naman!" "Hoy, Marigold! Nanumpa ka pa na hindi ka basta magtiwala ulit pero nandito na naman tayo ulit. Hindi ka pa rin ba nadala kay Karl? Paano kung si Sid pala pamilyado? Paano kung may mga anak na pala tapos ginaw