"Kumpleto na ba ang mga gamit diyan sa event? Iyong cake nai-deliver na ba pati balloons? Iyong caterer ayos na ba, Joaquin? Paki-check mo nga lahat ng mga give away gifts kung kumpleto na at---" "Marigold, relax!" ani Joaquin sa kabilang linya. Kanina pa siya natataranta habang nagbibihis siya dahil hindi niya makontak kanina si Joaquin para ma-double check kung kumpleto ba lahat ang orders na dumating. Ngayong araw kasi ang birthday ng isang client nila sa Gabaldon. Isang twenty one years old debutant, at may lahi pa itong Australian. "Paano naman ako magri-relax kung kanina pa kita hindi makontak." "Kumpleto na lahat, Mari. Ikaw na lang kulang, naayos na namin dito ni Jared ang mga kailangan na ayusin at kumilos ang Team Gorgeous no." Nangunot ang kaniyang noo. "Ano naman ang ginaga