"Seryoso ka ba sa ginagawa mo?" tanong ni Roel sa kaniya habang humihithit siya ng sigarilyo. Kakatapos lamang nilang magsiping at nasa balcony silang dalawa na parehong nakasuot ng bathrobe. "Kaya nga ako umuwi hindi ba?" balik-tanong ni Denise sa kaniyang kausap. "Ibang klase ka talaga, Denise. You are one of a kind. Nagawa mong magpanggap na bait-baitan kay Simoun." "Dahil kailangan kong gawin ang bagay na iyon para bumalik siya sa akin at maalala niya ako." "Naniniwala ka ba talagang nagkaroon siya ng amnesia noon?" Masama niya itong nilingon. "Sinasabi mo ba na nagsisinungaling lang sa akin si Mommy?" Sinalinan ng alak ni Roel ang basong hawak nito. "Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, babe." "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, Roel. Ang importante lang sa akin ay bumali