Habang nagluluto si Sid sa kaniyang kusina ay pinagsama-sama naman niya ang mga gamit na hindi kailangan ni Maxxel. Dadalhin nila iyon sa health center bukas dahil may check up ang mga batang bagong panganak hanggang isang taong gulang. Ang ibang mga gamit na p'wede kay Maxxel ay dinala niya sa kuwarto nilang mag-ina. Wala pa ang kaniyang mga kapatid at mukhang pinagkaisahan na naman siya dahil nandito si Sid. Ganoon din kasi ang ginagawa ng mga ito sa kanila ni Jared noon. Hinihintay na lamang ni Lorie ang resulta ng LEPT nito ngayong buwan. Balak ng kaniyang kapatid na magturo sa Pangasinan kaya babalik na ito roon para magpasa ng requirements sa mga public schools doon. Graduate si Lorie na magna cumlaude kaya tiyak niyang hindi ito mahihirapan. Hanggang ngayon wala pa rin nobyo ang