Hindi maipinta ang mukha ni Mari habang kaharap ang sandamakmak na laruan, gatas, at mga damit pati sapatos na hindi naman kayang ubusin at gamitin ng kaniyang anak. Iyong ibang gamit nasa six months na at hindi na iyon kakasya kay Maxxel dahil malapit na itong mag-isang taon. Hindi alam ni Mari kung dapat ba niyang ikatuwa ang nararamdaman niya ngayon. Nasobrahan si Sid sa kagustuhan nitong bumawi sa kanilang mag-ina. Nakalimutan yata nito na maliit ang bahay nila. "Ate Mari, ano na ang gagawin natin sa mga iyan? Sa tingin ko naman hindi na iyan tatanggapin kapag binalik pa ni Kuya Sid. Ang mabuti na lang siguro ibigay natin sa health center para maibahagi sa mga bata doon." Suggestion ni Lorie habang inaayos ang mga paper bags na hindi na rin nito mahakbangan. "Ate Mari, uubusin na la