Hindi maipaliwanag ni Sid ang kaniyang nararamdaman habang nakatingin kay Denise na nasa labas ng gate. Hindi niya alam kung totoo nga ba ang sinabi nito sa kaniya. Sa pagkakakilala niya kay Denise hindi basta-basta ito nagpaparaya. Lumapit sa kaniya si Manang Upe na may hawak na bagong timplang gatas para kay Mina. "Kung kausapin mo kaya nang maayos si Denise?" "Manang Upe, kapag ginawa ko pa iyon mas lalo lamang niyang ididikit ang sarili sa akin. Ilang beses na siyang nagsinungaling manang at p'wede iyong maulit kapag binigyan ko pa siya ng atensiyon." "Ikaw ang bahala, iho. Ikaw lamang ang nakakakilala kay Denise dahil matagal kayong nagkaroon ng relasyon." Bumuga nang malalim si Sid at dumiretso sa kaniyang kuwarto. Wala siyang gustong gawin ngayon kun'di isipin ang lahat at guma