"Femina Santos?" kunot-noong tanong ni Roel habang nakatingin sa sulat na iniwan sa kaniya ng isang babae. Isang taon na rin ang nakakaraan mula noong matanggap niya ang sulat na iyon sa hindi kilalang tao. Ibinagsak ni Roel ang sarili sa kama at matagal bago tinitigan ang sulat na ahqak niya. Kauuwi lamang niya galing Japan dahil pinuntahan niya roon ang pamilya ni Denise. Nagpatulong ang mga ito para makagawa ng paraan para tigilan na ni Simoun ang negosyo nila. Nalaman ni Donya Divine na hinarang ni Simoun ang mga investor ng Francia Cosmetics at clothing business para makipag-deal dito. Napailing na lamang si Roel sa naiisip na kailangan siya ng pamilya Francia para sa sariling interes. Natutuwa nga siya dahil nakikita niyang bumabagsak ang kompanya ng mga ito dahil iyon naman talag