"Bakit mo pinapakuha ang original birth certificate ni Maxxel? Ano ba talagang gusto mong malaman, pare?" tanong ni Jayson sa kaniya habang buhat-buhat nito ang anak niyang si Mina. Habang lumalaki ang bata ay nagiging kamukha ito ng yumao nitong ina. Legal na niyang nakuha ang adaption para kay Mina, dahil ipinaubaya sa kaniya ng mga kamag-anak nito ang pag-aalaga sa bata. "Gusto kong makasiguro na hindi ko anak si Maxxel." Bukod sa pinapakuha niyang original copy kay Jayson ay nakakuha siya ng hair sample ni Maxxel nang buhatin niya ito kahapon. Idinaan na niya ito sa hospital na walang alam ang kahit sino sa ginawa niya. Kung maging negative man ang resulta ay tatanggapin niya. Magiging magaan para sa kaniyang loob na umalis at huwag nang magpapakita kay Mari kahit kailan. "Gagawan