"Tama ba iyong sinabi ko kay Sid, Mari?" nakukunsensiyang tanong ni Jared habang katabi ito na nakaupo sa may labas bahay. "Ginawa mo lang iyon para protektahan si Maxxel, Jared. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Sid ang totoo. NBI Agent iyong kaibigan niya... Jayson ang pangalan. Paano kung malaman nila at magduda sila kung bakit nakalagay sa birth certificate ni Maxxel ay Granadoso?" "Mari, alam ko na mangyayari iyan kaya kinausap ko na si Jayson. Kakampi natin ang kaibigan kong iyon. Hindi ko alam kung hanggang saan natin kayang magpanggap." "Kung kailangan kong lumayo para---" Hinawakan ni Jared ang kamay ni Mari. "Hindi mo kailangang lumayo. Mari, alam mong mahal kita... at gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." "Jared..." "Hindi mo ba talaga ako kayang ma