Umalis si Sid dahil hindi na niya kaya ang eksena na nakikita niya. Nang marinig niya ang sinabi ni Jared lalo niyang naramdaman na mas dapat niyang layuan si Mari at huwag nang guluhin ang buhay nito. Isang taon ang pinalipas niya para masigurado ang nararamdaman niya at hindi pa rin iyon nagbabago. Isa lamang ang gusto niya... gusto niyang masabi ang totoo kay Mari at nangyari na iyon. Ngunit huli na ang lahat. Kahit na ipilit niya... kahit na mahal na mahal niya ang dalaga hindi pa rin p'wede dahil kasal na ito kay Jared. Patungo siya sa parking lot ng hospital nang marinig niya ang boses ni Jared. Nilingon niya ang kaibigan na palapit sa kaniya. Clean cut na ang buhok nito at hindi na long hair. Malinis itong tignan at hindi na katulad ng dati. Ibang-iba na ang kaniyang kaibigan nga