ISANG taon ang mabilis na lumipas. Katatapos lamang ni Mari na asikasuhin ang isang birthday party ng isa nilang kliyente. Sa nakalipas na isang taon ay masasabi ni Mari na successful ang kanilang partnership ni Joaquin. Maliban sa suporta na ibinibigay ni Jared. Nabayaran nila ang isang daang libong piso na pinahiram nito sa kanila ni Joaquin at sa mga ngayon doble o halos triple ang income nila buwan-buwan. Matiyaga sila ni Joaquin sa paghahanap ng mga clients nila. Kilala na siya sa Pangasinan kaya mabilis niyang nahihikayat ang mga dati nilang clients ni Joaquin na sa kanila na ipagawa ang mga birthday, debuts at mga wedding preparations. Humanap sila ng kanilang partner na catering shop dito sa Nueva Ecija. At nagiging maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo. "Ako na lang ang ma