Kabanata 54: Bagong Pag-asa

1044 Words

"Bakit hindi mo sinabi kay Kuya Sid ang totoo, Ate Mari?" malungkot na tanong ni Lorie sa kaniya habang nakasakay sila ng bus. Inaayos na niya ngayon ang application niya sa Hikari Wedding and Events sa Pampanga. Minabuti ni Mari na maghanap ng trabaho at hindi naman siya nabigo iyon nga lamang ay sa Pampanga siya maidedestino. Hindi niya rin alam kung bakit nandito si Sid marahil nagkataon lang talaga na nagkita silang dalawa. "Lorie, may asawa si Sid. Paano ko naman sasabihin sa kaniya ang totoo? Alam kong mahirap ang sitwasyon namin ng anak ko pero lahat kakayanin ko para sa kaniya. Isa pa, ayoko na ring manggulo pa ng isang relasyon." "Pero ate..." "Lorie, nagdesisyon na ako. Ayoko na sanang napag-uusapan natin si Sid." Tumahimik si Lorie. Naiintindihan niya na kaya siya pinipilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD