INIUWI ni Sid ang baby sa kaniyang bahay sa Pampanga. Nakabili siya roon ng isang simpleng bahay, may dalawang kuwarto at walang second floor. Wala siyang kasama sa kaniyang bahay ngayon dahil hindi alam ni Manang Upe na darating siya ngayon. Ibinenta niya ang kaniyang bahay sa Tarlac upang idagdag sa kaniyang puhunan sa kaniyang pagaisimula. Bago siya umuwi ay bumili siya ng mga gamit ng baby, mula sa mga lampin, diaper, gatas at mga feeding bottles. Kailangan niya ang tulong ni Manang Upe para sa pag-aasikaso sa baby. Habang nakatingin siya sa maamong mukha ng baby ay hindi magawang malungkot ni Sid. Alam niyang hindi niya ito p'wedeng angkinin dahil kailangan niya itong ibalik sa pamilya ni Femina. Aalamin pa ni Jayson ang pagkatao ni Femina bago niya isuko ang baby. Kailangan niyang