Kaliwa't kanan ang nagiging meetings ni Sid. Hindi niya inakala na sa kaniyang pagsugal ay may ibubunga iyon. Iba't ibang entrepreneur ang nakakausap niya at sumubok siya ngayon ng clothing business na siyang negosyo ng pamilya ni Denise. Tinulungan siya ng isang Korean businessman at nakipag-deal siya rito gamit ang kaniyang natitirang pera sa kaniyang savings account. Naging mahirap ang kaniyang naging simula sa negosyo. Hanggang sa magbunga ang lahat ng sipag ng team niya sa Pilipinas na mag-promote sa kaunting halaga lamang hanggang sa lumaki na ang demand ng kanilang produkto at maging mabenta na ang brands sa Pilipinas. Naisip niya na bumalik ng Pilipinas dahil nakikita niya na successful naman ang nagiging takbo ng kaniyang negosyo. Habang pinapatakbo niya ang clothing line niya