"Ano raw? Ipapabago lahat ni Miss Denise? From the top ba ulit?" hindi makapaniwalang tanong ni Joaquin sa kaniya habang nakapameywang ito sa kaniyang harapan. Tapos na nilang i-print ang mga wedding invitations pero ipinapabago iyon ni Denise. Pati na rin ang designs at location gusto na nitong baguhin. Bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at hindi na nito gusto ang ideas niya. "Paano ngayon ito, Ma'am Mari?" nag-aalalang tanong ni Eric sa kaniya na tinitignan sa laptop ang mga videos at pictures na nakuhanan nito. "Uulitin ulit natin," nakangiting ani Mari na hindi ipinapakita ang kahinaan sa kaniyang mga staffs. "Ha? Lahat? Dalawang araw din natin itong inayos tapos uulitin lang natin. Ni wala pa nga tayong matinong tulog e," reklamo ni Joaquin. "Pati iyong cake design ng ating