Mula sa bintana ng cottage ay pinapanuod ni Denise ang kaniyang kasintahan na si Simoun na kausap ang matalik nitong kaibigan na si Jared. Nagising siya na wala na ito sa kaniyang tabi kanina. Nagtalo pa sila dahil sa pakikialam niya kina Mari at Jared. Mukhang concern na concern talaga ito kay Mari at iyon ang ipinagtataka niya. Nararamdaman niya na lumalamig na ito sa kaniya. Kinuha ni Denise ang kaniyang cellphone sa bag niya at tinawagan ang kaniyang kaibigan at investigator ng pamilya nila. "It's late, Denise," ani Roel kababata niya ito at nakapag-aral ito dahil sa foundation ng kaniyang pamilya. Ito na rin ang private investigator nila at masugid din niyang manliligaw. "Roel, I need your help," naiiyak na sabi niya rito. "Tungkol na naman kay Simoun o sa negosyo?" "Roel, hind