Inilayo ni Jared si Mari kay Sid kahit na alam niya na magsisimula na ang away nilang magkaibigan. Nakahanda si Jared na saluhin ang galit ni Sid kaysa naman hayaan niya si Mari na masaktan dahil sa isang pagkakamali. Mahirap ang buhay ni Mari, inilam niya ang buhay ng dalaga at totoo nga ang sinabi nito na may mga kapatid itong pinag-aaral. Totoo si Mari sa kaniya at ang lahat ng mga sinabi nito. Makukonsensiya siya kung hindi niya ito tutulungan sa paraan na alam niya. Kung madadamay ito sa galit ni Denise hindi niya alam kung makakaya iyon ni Mari dahil kilala niya si Denise. Hindi ito titigil hangga't hindi nito napapabagsak si Mari. Umiisip pa siya ng paraan kung paano niya kumbinsihin ang dalaga na iwanan ang trabaho nito. Bukod sa auto shop na business nila ni Sid ay may sarili pa