Siniko siya ni Joaquin na nasa kaniyang tabi. Hindi malaman ni Mari ang kaniyang magiging reaksyon dahil pati siya nagulat din kahit na alam naman niyang naroon ang mga larawan nila ni Jared. Hindi lang talaga siya handa sa magiging reaksyon niya. "Boyfriend siya ni Mari. Kilala ba ninyo si Jared?" tanong ni Joaquin na kahit hindi nito alam ang ginawa niya ay umaayon na lang sa agos. "Boyfriend mo siya?" Hinawakan pa ni Denise ang kaniyang kamay. "I can't believe this." Tumango siya rito ngunit si Sid masama ang tingin sa kaniya. Makulimlim ang mukha nito at ang mga ugat sa leeg ay umiigting. "Babe, look. Tignan mo ang kaibigan mo, siya pala ang boyfriend ni Marigold. Kaya naman pala tahimik lang si Jared this past few weeks dahil may pinagkakaabalahan pala." Ibinalik ni Denise ang tin