"Aha! Kanina ka pa sumusulyap sa cellphone mo gurl!" malakas na sabi ni Joaquin habang nasa tabi niya ito. Sumama ito sa kaniya sa kaniyang bahay dahil lasing na naman ang mga kapatid nito sa kanila. "Hinihintay ko lang na tatawagan ako ni Miss Denise," pagdadahilan ni Mari. Kahit na ang totoo ay naaalala niya si Sid. Mula kaninang umaga ay hindi pa siya nito tinatawagan. Kahit na nga sa hotel kaninang umaga ay hindi pa ito nagpaalam sa kaniya. Nalaman na lamang niya na umalis na ito dahil may matandang kumuha ng mga gamit ni Sid sa hotel room na tinuluyan nito. "Ang tawag ni Miss Denise o si Sid? Naku! Sinasabi ko na sa iyo Mari, hindi ka dapat nagtiwala sa lalaking iyon. Iba ang kutob ko sa kaniya e. Pakiramdam ko pamilyado ang lalaking iyon o baka may nobya," ani Joaquin na lumabi pa.