Aligaga si Mari dahil ngayong araw ng linggo ay magkikita sila ni Denise kasama ang masungit nitong nobyo. Inayos niya kagabi ang mga i-pri-nint niyang proposal para sa beach wedding na gusto nito. Naisip ni Mari na ialok dito ang Isla Margarita dahil maganda ang lugar at sobrang linis ng hotel. Gusto rin niyang ialok dito ang Isla Paraiso, dahil romantic ang lugar. Naisip niya na p'wedeng gawin iyong location ng wedding pictorial at kukuning videos para sa kasal. Excited na si Mari sa kaniyang trabaho dahil memorable sa kaniya ang lugar. Umaasa din siya na makikita niya si Sid kapag bumalik siya sa Isla Margarita dahil isang linggo na ang nakakaraan ay wala pa rin siyang balita dito. Hindi rin ito tumatawag sa kaniya at hindi nito sinasagot ang mga text messages niya. Siguro tama si Jo