Chapter one hundred forty one MONICA’S POV’S Nasa malaking salo salo kami ngayon at kasama ko si papa pati na rin si tita Justine at Jao may mga matataas na opisyal din kaming kasama dahil pinagdidiwang nila ang pagbubuntis ko Kahit na wala naman talagang laman ang tiyan ko Nakaharap kaming lahat sa malaking lamesa, katabi ko si Jao at papa “ Ito ang inaabangan ng lahat ang maging isa ang dalawang malaking imperyo” “ Kinagagalak naming makita ang paglilingkuran naming susunod na reyna at hari” “ Masaya kami at nakabuo kayo ng mamumuno sa magiging pinakamakapangyarihang imperyo” Lahat sila tuwang tuwa sa nangyayari na akala nila totoo ang lahat pero hindi, ang sitwasyon ko ngayon ay parang pagkatao ko isang pekeng pagbubuntis at pekeng reyna Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari