5//

2197 Words
Chapter five JAO’S POV’S Himala ata wala akong nararamdamang kakaiba ngayon? dahil noon kapag umaalis si mama pagbukas ko pa lang ng pinto napakarami ng gwardya pero ngayon? Wala akong nakikitang humihigpit ngayon sa akin Umalis na ang reyna kaya kagabi pa lang ineexpect ko na may bantay ako at nag iisip ng plano upang makatakas sa kanila “ Aba ang saya natin ah “ salubong sa akin ni Lorkan “ Wala akong bantay ngayon” “ Hahaha kaya pala ang saya ng itsura mo” “ Himala nga eh kase umalis na si mama wala syang iniwang bantay, nakalimutan kaya niya?” “ Imposible yan ikaw pa ba baby boy? Hahaha” “ Tumigil ka nga dyan lumabas na lang tayo mamaya” “ Sure! Sakto hahanap ulit ako ng bagong jowa” Hindi parin nagbabago si Lorkan halos isang linggo lang sila nagtatagal ng mga babae niya, yung iba nga kinakama niya lang tapos kinabukasan wala na hindi na niya kilala “ Nasaan na yung dinate mo kahapon?” “ Ayoko sa kanya ang boring niya tapos gusto niya sa gilid gilid lang kami kumaen kaya ayun nanakawan tuloy sya” “ Hahaha gago ka talaga anong ginawa mo?” “ Wala” “ Ikaw yung kadate wala ka man lang ginawa?” “ Sabi ko palitan ko na lang yung mga ninakaw na gamit niya kaso ayaw niya” lumapit sya sa akin at tsaka ako inakbayan “ Alam mo ba Jao may kakaibang babae akong nakita kahapon” “ Paano naging kakaiba ang babaeng yun ah?” “ Sya kase yung humabol sa magnanakaw hahaha” natuwa pa sya hay nako nakikipagfling lang naman tong pinsan ko walang sineseryoso to “ Hindi ko alam ginaw aniya pero nabawi nung kadate ko kahapon yung gamit niya nakakamangha nga eh” “ Tsk, namangha ka na dun?” “ Oo naman hindi mo kase sya nakita basta parang umiba pakiramdam ko” “ Gago lahat ng babae ganyan sinasabi mo hahaha” Iniwan ko na sya doon sa labas ng kwarto ko kung ano ano nanaman kinikwento niya sanay naman na ako sa kanya puro babae halos ang naikwekwento ni Lorkan “ Hoy Jao making ka muna” “ May kailangan pa akong puntahan” Kailangan kong icheck yung medical team namin kung nakarating nab a dahil sabi nila ngayon daw sila dadating Hwag naman sanang palpak kundi mapagbubuntunan ko nanaman sila ng galit, pero dahil wala si mama at wala syang iniwang mga bantay baka mababawasan ang init ng ulo ko. “ Jao ang ganda ng mood ah” “ Umalis na kase si tita” Ngayon naman nakasalubong ko ang dalawa ko pang pinsan na sina Kino at Dean sinasabayan nila ako ngayon maglakad papunta kami sa may opisina ng medical team namin. “ Ano na gagala na ba?” “ Sure” “ Pero paano si Gwen?” “ Hayaan niyo sya” “ Baka sya naman ang bantay mo haha mas malala pa sa mga bantay yun eh” Kung hindi yun babae tapos ganun ang ugali malamang matagal na naming pinagtulungan yun ng iba ko pang pinsan hahaha Napakasungit kase at napaka kj sa lahat ng ginagawa namin. Dapat si Gwen at mama ang mag ina at hindi kami kase magkaugali silang dalawa, nakakasakal na kase minsan ayoko ng ganung trato nila gusto ko maging normal yung buhay ko ayoko ng puro limitasyon sa lahat ng ginagawa ko. “ Nasaan na yung mga bagong medical team?” “ Nakaready na po silang magpakilala sa inyo kamahalan” Ano nanaman kayang kapalpakan ang hatid ng medical team na ito, puro palpak kase ang dinadala nila dito tignan natin kung hanggang saan sila makakatagal. ****** MARGO’S POV’S Nakaimpake na ako ang sama ng loob ko dala dala ko lahat ng gamit ko dahil sabi ni cher dun kami titira hanggang sa sabihin niya “ Jologs bakit may dala ka pang stuff toy?” “ Alangan naman iwan ko sila dito” “ Margo ano ba yang mga dala mo?” Sila tig dadalawang bag habang ako? Tatlong bag at may isang malaking sako, nakalagay doon yung stuff toy ko mga unan ko at mga bedsheets Ayoko gumamit ng ibang unan or bedsheet gusto ko lahat ng ginagamit ko ay yun parin para naman mas maging komportable ako sa pupuntahan ko “ Maglalayas ka ba?” tanong ni Luigi sa akin “ Hays wag niyo kong pakealaman ano ba” “ Hayaan niyo sya, sya din naman magbibitbit niyan” Alam ko naman yun hindi na ako aasang tutulungan niyo ako bahala sila sa buhay nila basta sata ang sasahurin ko yun lang ang demand ko. “ Okay handa na ba ang lahat?” tanong ni cher Conan kasama niya rin ngayon si master Tidus “ Handa na kami!” sigaw namin “ Ihahatid namin kayo hanggang sa may gate hindi na kami makakapasok ni Tidus sa loob ng imperyo” “ Opo master!” At heto na nga ang mahaba habang byahe namin, bye bye ospital nadaanan ko pa yung dati kong pinagtatrabahuan mamimiss ko mga pasyente ko hindi ako pwedeng mag paalam sa kanila mga matatanda kase halos ang pasyente ko. Sure ako hahanapin nila akong lahat doon. ******* [ South Empire ] Binaba na ng van ang mga gamit namin hindi na kami inihatid sa loob nila cher at master nalulungkot ako nahohome sick “ Hanggang dito na lang kami, alam niyo ang gagawin niyo” “ Opo!” “ At ikaw” turo sa akin ni cher “ Magtino ka dun Margo” “ Matino naman ako ah ikaw lang kaya ang hindi” “ Hahaha nasapul ka ng alaga mo” pang aasar ni master Tidus sa kanya “ Hanapan niyo to ng jowa dyan ah dapat pagbalik niyo sa hide out inlove na yan hahaha” ulol hindi ko kailangan magkajowa dun kailangan ko sahod ko “ Paano magkakajowa yan tignan mo naman master yung dala dala” sabi ni Luigi “ Hayaan niyo syang magbitbit niyan” “ Kulang na lang ikaw eh dinala lahat ng gamit hahaha” “ Heh!” Nauna na ako sa kanilang pumasok ako nanaman napagtripan nilang lahat kaya binitbit ko isa isa papasok yung mga bag ko at pati tong sako na dala ko Paglampas ko ng gate tumambad sa akin ang malawak na imperyo ng South Empire, napakaraming bantay sa loob At ang ganda dito nakakamangha siguro sobra sobra ang pera ng mga to, baka nga barya lang sa kanila ang sinasahod ko ngayon. “ Bye Margo dalhin mo lahat yan hahaha” pang aasar ni Kimbie sa akin “ Sa akin na tong isa” dinala ni Aries yung isang bag ko Ang layo pa pala ng lalakarin namin tang ina namang buhay to ang dami kong bag na dala at may isang sakong stufftoy akong bitbit pa. Nauna na silang lahat maglakad, hindi ko naman mabubuhat to ng sabay sabay alangan naman isa isahin ko itong bitbitin tapos pabalik balik ako? No way! Baka pagdating ko sa tutuluyan namin skeleton na ako. Binitbit ko yung dalawang bag at tsaka hinila ko yung sako na dala dala ko ang bigat ah kasalanan ko rin naman to kaya ako rin magdudusa Buti at dinala ni Aries yung isa kong bag ang layo na nila habang ako? Para akong pagong na naglalakad dahil sa bigat ng dala dala ko Habang naglalakad ako nililibot ko sa paligid ang paningin ko napakaraming fountain at garden na madadaanan Kung sabagay hari ba naman at reyna ang nasa loob ng lugar na to kaya malamang maganda tong lugar unlike yung hide out namin na amoy laway ni cher Conan hahaha Pero nakakamiss doon promise. Hindi ko na maabutan yung mga kasama ko tig dalawang bag lang naman kase silang dala at halos ang gagaan pa. Habang naglalakad ako ng mabagal may narinig akong bell ng bike na parang papunta sa akin kaya napagilid ako bigla Na out of balance ako nabitiwan ko yung mga bitbit ko at muntik na akong masubsob sa fountain na nasa harapan ko. “ Ow sorry” boses lalake “ Teka miss bakit ang dami mong dala?” “ Wala ka na dun” Halla mali, dapat pala ginagalang ko ang mga narito baka mamaya ay sya pala ang susunod na hari oa kaya mataas ang posisyon niya dito “ Ah eh isa ako sa medical team at papunta kami sa tutuluyan namin” “ Ah kaya pala kayo pala yung pumalit, teka?” hindi ako makatingin sa kanya dahil sa inasta ko tanga ka talaga Margo hindi to yung bahay mo “ Parang namumukhaan kita” “ Huh?” nabigla ako sa sinabi niya baka isa to sa mga pinabugbog sa akin o kaya isa sa mga pinahuli kinakabahan ako “ Ikaw yung humuli sa magnanakaw diba?” “ Magnanakaw?” Alin dun? Napakarami ko ng nahuling magnanakaw pero hindi ko sya mamukhaan wala naman kase akong pakealam sa mga nasasalubong ko bahala sila “ Yung sa food court” “ Ah yun ba” oo nga yun yung latest kong nahuli, namukhaan niya ako “ Ako nga pala si Lorkan” inabot niya kamay niya at iniabot ko rin ang kamay ko pero hindi ako nagpakilala Todo ngiti sya sa akin at tinititigan ko lang sya ngayon inaalala ko sya, oo nga sya yung jowa nung ninakawan naaalala ko na! Yang ngiting yan mukang aso parang may binabalak na masama sa akin halata namang play boy kaya hinigit ko agad yung kamay ko sa kanya “ Sige aalis na ako” Inisa isa kong binitbit yung mga gamit ko heto nanaman ang balancing moment ko dalawang bag plus sako kaya ko to “ Teka lang bibitbitin mo ng sabay sabay yan?” “ May choice pa ba ako” bulong ko “ Tulungan na kita” tulungan eh bike lang ang dala dala niya “ Hwag na kaya ko naman” “ Hindi pwede para mapabilis pagpunta mo dun” nilingon niya yung guard “ Manong pahiram ng masasakyan” Ano Margo aarte ka pa ba? Go na ako dyan sasakyan pala eh hahaha ang layo layo na ng mga kasama ko sa akin At baka pagdating ko dun eh ako na ang gamutin nila Agad na may pumuntang masasakyan dito hindi sya van ah yung electric na jeep ganun ang itsura niya ngayon “ Pakidala na lang to sa lagayan” ibinigay niya yung bike niya sa gwardya at tsaka sya ang nagdrive ng sasakyan “ Ano sakay na?” Nilagay na nung gwardya yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan kaya sumunod na rin ako nasa gilid ako ng driver Natuwa naman ako dito hays hindi na ako maghihirap pang maglakad nakakagaan sa pakiramdam para akong nasa langit pero hwag niyo muna akong kukunin Ang smooth ng galaw ng sasakyan na ito para akong reyna na nakatanaw lang sa magandang lugar na ito Naabutan ko pa ang mga kasama ko na naglalakad kaya naman “ Hoy!” “ Aba ang lola niyo nakasakay” “ Blee” hahaha dinilaan ko sila halatang nainis sila sa akin hahaha Medyo malayo nga yung tutuluyan namin ang lawak ng lugar sobra ako ang nauna sa kanilang lahat pero itong lalakeng naghatid sa akin hindi pa ako nilulubayan “ Dito ang bahay ng mga medics namin” Hindi sya halatang bahay ng medical team dahil ang itsura parang hotel yung mamahaling hotel na tinitirhan ng mga mayayaman Sinamahan niya akong dalhin ang mga gamit ko sa loob ng kwarto ko saktong lima ang kwarto dito may sala din at kusina at ang ganda ng banyo nila dito. Kumpleto ang gamit nila pero yung mga gamit ko ang gagamitin ko parin “ Salamat” napilitan lang akong sabihin yan “ Ang daya mo ah” “ Hoy Margo” “ Grabe hindi mo kami sinakay” Sakto rin na kakarating lang ng mga kasama ko dito kasalanan niyo yan inaasar niyo ko bawi bawi lang parusa sa inyo yan hahaha Napahinto sila ng makita nila na may kasama ako, sinenyasan ko sila nah wag maingay baka kase ito yung babantayan namin Lahat sila ay nagbigay galang sa kasama kong lalake. “ Sige mauna na ako kailangan niyo pang magpakilala sa amin dumiretso na lang kayo sa tapat ng clinic” Magpakilala? May ganun pa? Paano yun? Parang noong elementary ako? Yung my name is? Ang dami ko tuloy tanong Lumabas na sya at tsaka ako binugbog ng mga kasama ko hahaha bugbog with love to “ Grabe ang ganda dito!” sabi ni Ginger “ Pang selfie ang place ah” sabay picture nung magkapatid. “ Hoy mag asikaso na kayo ng mga gamit niyo” utos ni kuya sa amin haha ni Aries pala Sa totoo lang komportable naman itong lugar na to malinis at maaliwalas okay na rin pero mas namimiss ko yung amoy sa hide out namin “ Bilisan niyo kailangan pa namin magpakita sa susunod na hari ng imperyong ito” Bakit bigla akong kinabahan magpapakilala kami sa tagapagmana? Ano ba tong kutob na to kakaiba ah Weird.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD