6//

2104 Words
Chapter six CONAN’S POV’S Hinatid na namin sila Margo sa South Empire bibisitahin ko na lang sya doon ng palihim kase baka makita ako ni Justine doon. “ Wala ng atrasan yan alam mong may posibilidad na magkita sila ni Justine o ni Albie” “ Alam ko yun, pero hindi rin pwedeng itago ko si Margo ng matagal dahil alam kong may malaki syang tungkulin na gagampanan” Sya ang nag iisang tagapagmana ng East at South Empire kaya lahat ng tao sa imperyong iyon ay walang karapatan dahil pagmamay ari yun ni Margo Mukang yung offer ni Justine ang naging hudyat upang makilala na ni Margo ang lugar kung saan sya nagmula at ang lugar na pagmamay ari niya. “ Akala ko balak mo ng itago si Margo habang buhay” “ Hahaha kung pwede lang eh kaso kailangan na sya ng lahat, lalo na ng magiging imperyo niya” “ Teka? Kamusta na kaya si Ellie?” “ Dati nagkikita pa kami pero taon na rin simula noong huli ko syang nakita hindi alam ni Albie ang pagkikita namin ni Ellie hindi bat pinalitan niya ang anak ni Ellie ng ibang sannggol?” “ Bakit hindi mo sinabi ang totoo kay Ellie noon?” “ Dahil tiwalang tiwala sya kay Albie sya kase ang tumulong sa kanya na maibalik ang trono niya, kahit pinapahapyawan ko sya tungkol kay Albie malabong paniwalaan niya ako at isa pa natatakot ako nab aka kung ano pang masamang gawin ni Albie kay Margo noong sanggol palang sya dahil hindi naman oras oras magkasama ang mag ina napakabusy ni Ellie sa mga gawain bilang reyna kaya nag isip ako ng mabuti” “ May point ka dyan, delekado nga noon si Margo kay Albie madali lang magdahilan lalo na at tiwalang tiwala si Ellie sa asawa niya pwede pwede niyang patayin si Margo at magdahilan na lang” “ Kaya nga eh hays hindi ko akalain na yung mga mukang bagong tuli noon sila na ngayon ang makapangyarihan” “ Captain ka lang sa loob ng Memphis High hindi sa labas” “ Aray ah ako parin ang Captain niyo sa Remo Squad hahaha” Kinabahan ako bigla hwag naman sanang may masamang mangyari sa mga alaga ko winawala ko na lang at tinatawa Mas gusto ko pang bumalik sa Memphis High kesa dito hahaha atleast doon ako ang sikat dito kase kung sino pa ang lampa sya pa ang makapangyarihan hahaha Kamusta na kaya si Ellie? Nagbago na rin sya simula ng nagkita kami noon ang tagal tagal na nun hindi ko na sya nadadalaw, kahit gustong gusto kong aminin noong nagkita kami na yung sanggol at kinilala niyang anak ay iba at hindi sa kanya. Kaso dahil kaibigan ko silang dalawa ni Jin kailangan ko rin protektahan si Margo, ngayong malaki na sya pwede na sya mag asawa este ipakilala sa kanila paunti unti. Si Albie naman malaki rin ang pinagbago hindi na sya yung lampa at duwag noon sa Memphis High ang layo na ng kilos niya ngayon iba ang pakiramdam ko sa kanya hindi na kagaya dati parang pakiramdam ko napakarami niyang itinatagong masasamang balak Mukang nalamon na silang dalawa ni Justine ng kapangyarihan, isa rin yun ang ganda ganda pero traydor at napakasinungaling Kung alam ko lang na ganito gagawin niya niligawan ko na lang sana sya noon hahaha para hindi niya manakaw si Margo sa kanyang ina at masaya na sana ngayon sina Ellie at Jin Kaso hindi, mukang malabo pero may alas pa nandyan pa si Margo may pag asa pa ang lahat ng nangyayari at ang mga taong traydor at masama ibabagsak ni Margo sa tamang pagkakataon. “ Nakakapanibago ah walang maiingay” sabi ni Tidus “ Gusto mo sumunod sa kanila? hahaha” “ No way im sure makikilala ako ni Justine” Ang hirap nga magtago ngayon kase nga yung kapogihan ko lutang parin eh hahaha kahit na sabihin nating tumanda ako ng konte baby face parin ako Makikilala at makikilala parin ako ng mga nag aral sa Memphis High kapag hindi ako nag disguise Sa gwapo kong to malilimutan nila?nako asa hahaha ****** JAO’S POV’S Papunta na ako sa lugar kung saan naghihintay ang mga bago naming medical team kaso nga lang may humarang sa akin na babae “ Hi Jao!” “ Ehem nandito ka pala Monica” sabi ni Dean Nandito nanaman sya mukang tumakas nanaman sya sa imperyo niya ganyan naman palagi si Monica kasabwat niya rin kase ang kanyang ama sa pagtakas, walang alam nanaman ang reyna ng East Empire nito. “ Bakit ka nandito?” “ Gusto kitang makita Jao” pero ayaw kitang makita kung pwede ko lang masabi yan “ Ayieee ang sweet” tukso nitong dalawa kong pinsan “ Busy ka ba? May pupuntahan ka ba? Sama naman ako” “ Hindi pwede” “ Monica hintayin mo na lang kami sa garden may importante lang kaming gagawin” “ Hindi ba ako pwedeng sumama?” kahit magpacute ka hindi pwede “ Hindi” sagot ko sa kanya, halatang nasimaya sya buti na lang nakaramdam tong dalawa magandang move ang ginawa nila “ Ah okay sige hintayin kita Jao sa kwarto mo” Umalis na sya agad potek? Sa kwarto ko? Asa sya na pupuntahan ko sya dun marami pa akong gagawin bahala syang maghintay Naglakad ulit kaming tatlo “ Patay na patay talaga yung magiging asawa mo sayo ah hahaha” asar pa Kino “ Kailangan mo na syang tanggapin dahil sya naman talaga ang mapapangasawa mo diba?” “ Pwede pang magbago yan” “ Wala ka ng magagawa hahaha” sabay pa silang dalawa na magsabi “ Oy ang tagal niyo ah” mukang masaya tong si Lorkan anong meron? “ Nauna ko ng nakita ang mga medical team” “ Tarana nga” Kailangan ko pa silang kilatisin nauna na palang nakita ni Lorkan sumunod naman silang tatlo sa akin “ Si Monica yung nakita ko kanina ah” sabi ni Lorkan “ Syempre nililigawan si Jao hahaha” “ Hindi mo ba sya gusto? Maganda naman sya ah ang sexy pa nga” isa pa tong si Lorkan “ Yeah right, sexy maganda pero hindi ko sya type wala akong maramdaman kahit ano sa kanya maski libog wala” “ Hahaha ayos ka rin” Para malaman nila wala talaga akong feelings sa kanya kaso natatakot ako na baka wala akong magawa kapag ipinakasal na kaming dalawa. Hwag naman sanang matuloy ang kasal namin soon. ****** MONICA’S POV’S Tumakas nanaman ako sa East Empire nag away nanaman kami ni papa dahil hindi ko nanaman nasunod ang gusto niya Oo alam na alam ko na ampon lang ako dahil palagi yang ipinapamukha sa akin ni papa ang hari ng East Empire at hindi ako ang tunay na anak ng reyna at ng hari ng East Empire Alam ko lahat lahat pero si mama Ellie hindi niya alam na hindi ako ang tunay niyang anak mahal ko si mama Ellie napakabait niya sa akin kaya ayoko na ring mawalay sa kanya Pero si papa Albie ko simula palang nagkamalay ako hindi na niya ako itinuring na anak lagi niyang ipinapamukha sa akin na sampid lang ako kaya kailangan ko syang sundin kung hindi baka patayin niya ako dahil daw madali lang sa kanya yun ginawa na daw niay yun sa tunay na anak ni mama Ellie Kaya heto natakot ako at itinuloy na lang ang pagpapanggap, palagi kong sinusunod ang utos ni papa sa akin Kapag nakaharap kami kay mama napakabait ni papa sa akin pero kapag wala si mama ibang iba ang ugali niya. Natatakot akong magsumbong dahil busy din si mama sa mga gawain niya bilang reyna pwedeng pwede akong patayin ni papa kahit kalian niya gusto Kahit naman malaman din nila na hindi niya ako tunay na anak wala rin akong mapupuntahan at doon ako takot wala na ang lahat ng luho ko kapag nangyari yun Ayoko mawala ang yaman ko hindi ko kaya mabuhay sa hirap kaya hindi ko rin inaamin kay mama Ellie na hindi niya ako tunay na anak Nalaman ko rink ay mama na ako ang susunod na reyna ng East Empire kaya papanindigan ko ang kung ano ako ngayon Kaso nga lang si papa hindi ko alam ang binabalak sa akin para lang niya akong robot nakakatakot kase sya. Ang alam ko si papa gusto niya akong ipakasal kay Jao sa susunod na hari ng South Empire para sa kapangyarihan pero hindi yun alam ni mama dahil galit si mama sa ina ni Jao na si tita Justine. Hindi ko alam kung ano ang naging alitan nila basta ang alam ko ayaw na ayaw ni mama na pumupunta ako dito sa South Empire Kaso gusto ko si Jao na love at first sight ako sa kanya kaya palagi ko syang dinadalaw dito kapag nakakakuha ako ng tsempo na busy si mama Aprobado naman yun ni papa dahil sya naman ang may plano na ipakasal ako kay Jao, which is pabor na pabor sa akin. Naeexcite tuloy ako kapag ikakasal na kami. Nasa kwarto na ako ni Jao at hihintayin ko sya ngayon dito hindi ko alam kung anong importanteng gagawin niya basta alam ko bbalik sya dito kaya dito ko sya hihintayin Mainit sa garden ayoko dun. Soon dito na rin ako matutulog kapag kasal na kami hays nakakaexcite naman to parang gusto ko na pamadaliin ang kasal kaso nga lang si papa ang nagplaplano nun Parang wala na akong katapatan magplano sa buhay ko pero kung si Jao ang involve sa plano ayos lang sa akin yun. Basta makasama ko sya habang buhay masaya na ako kahit anong iutos na sa akin ni papa gagawin ko magawa niya lang din na ipakasal ako kay Jao ****** [ Makalipas ang ilang oras ] Hindi ko namalayan nakatulog pala ako, teka? Hindi ko to kwarto kay Jao pala ang kwartong ito nasaan na ba sya? Dumaan kaya sya dito? Bumaba ako ng kama at nag inat inat halla! Hapon na pala hahanapin na ako ni mama mamaya niyan lagot ako nito kailangan ko ng umuwi Nagmadali akong lumabas at tumakbo Nilibot ko pa ang buong paligid hindi ko makita si Jao akala ko ba pupuntahan niya ako? Bakit hindi na sya nagpakita sa akin? Kung sabagay may iba pang araw pwede ko pa syang makita “ Ouch!” sa kakatakbo ko may nabangga ako “ Ano ba yan ang sakit ah” “ Hindi naman masakit eh” “ Anong sabi mo?” “ Wala po” “ bubulong bulong ka dyan hindi mo ba ako kilala ha? Ako ang susunod na reyna ng East Empire!” Hindi sya umimik pero yung tingin niya sa akin parang lalamunin ako, nagmamadali ako bigla syang susulpot kainis Iniwan ko na lang sya doon sino ba yung babaeng yun ang panget ng porma nakapajama at shirt? Ano yan matutulog? Hindi ba niya alam ang fashion? Wala akong panahon makipagtitigan kailangan ko na umuwi. Buti na langa t may nasakyan agad ako at nakauwi ako ng ligtas kung hindi lagot ako kay mama ganitong oras kase minsan tapos na sya sa mga trabaho niya “ Pa nandito na po ako” batik o sa hari kaso inisnob niya ako derederetso lang sya sa paglalakad niya Para akong hangin sa kanya kapag wala sa harapan namin si mama Ginagawa ko naman ang lahat para itrato niya rin ako bilang tunay na anak kagaya ng ginagawa sa akin ni mama Ellie ko Gusto ko rin maranasan magkaroon ng ama yung pag aalaga ba ng isang ama kaso nga lang hindi ganun sa akin si papa. Nasaan nab a si mama? Sa kanya na lang ako magpapalambing Sakto kasunod ni papa si mama na dumaan sa akin kaya sinalubong ko sya ng yakap, agad din niya akong niyakap pabalik “ Aba bakit ang lambing mo ngayon?” “ Wala lang ma” “ Yung baby ko ang laki na” “ Ma naman hindi na ako baby” “ Biro lang, sana lagimo kong sasalubungin kapag ganito dahil ikaw lang ang nakakapagpawala ng pagod ko araw araw” Nakakataba ng puso niyakap ko ulit sya sobang spoiled ako ni mama at ayokong mawalay sa kanya hindi ko kaya na malaman niyang hindi niya ako tunay na anak Hindi kagaya ni papa na busy masyado sa trabaho niya ewan ko ba kase minsanpakiramdam ko marami syang inililihim kay mama Hindi lang ako makasumbong kase takot ako sa kanya at sampid lang ako dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD