Chapter seven ELLIE’S POV’S Napakaswerte ko sa anak ko dahil napakalambing sa akin sya na lang ang tanging taong sumusuporta sa lahat ng gusto ko Si mama kase pumanaw na rin makalipas ang ilang taon matapos kong ipanganak si Monica nakakalungkot parin isipin hanggang ngayon pero wala naman akong magagawa dahil lahat naman tayo dadaan sa ganun. Pagpasok ko sa kwarto ko para makapagpahinga bigla nalang akong nahilo kaya napakapit ako sa doorknob Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Anong nangyayari? At nahihilo din ako. Pinaalis ko na kanina pa ang personal body guard ko mag isa ko na lang ngayon dito sa kwarto ko pinilit kong makarating sa kama Umupo ako at hinilot ang dalawnag binti ko “ Bakit ka sumasakit?” hays para syang namamanhid na parang napakaraming karayom na tumutuso