TULALA ako habang nakatitig lang sa kaharap kong laptop. Ilang oras na akong nasa ganu'ng ayos pero ni isa wala pa akong nauumpisahan sa mga dapat kong gawin. Sa aking pagpikit, ang mukha ni Hades ang agad kong nakita kaya mabilis kong iminulat ang aking mga mata at napatuwid sa pagkakaupo. It's been a two weeks since I left Garrette at sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi nagkukrus ang mga landas namin ni Hades, pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Why I can't forget him? Why he's still in my system? Nandito nga ako sa Howling Point pero ang isip ko ay nasa Garrette. Hindi ko na magawa pang maayos ang mga dapat kong ayusin, buti na lang at nandyan si Violet para remedyuhan ang mga kamalian ko. Hindi ko na rin nagagawa ang mga nakagawian kong gawain noon dahil sa bw