MATAPOS kong ayusin ang aking buhok ay agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa harapan ng full length mirror at sinuyod ang aking kabuohan. Nakita ko ang damit na ito mula sa lagayan ng damit ni Mom na nasa kwarto pa rin nila. Nakita ko na itong suot ni Mommy noong nakipaglaban siya sa duel match noong moon festival at kung titingnan ko ang sarili ko ngayon masasabi kong para ko nang nakikita ang aking sarili sa kanya. "Hey Mom, lalaban ako ngayon para sa lahi ng mga lobo, para kay Roy. Gabayan ninyo ako at bigyan ng lakas... 'yon ang kailangan ko ngayon," I murmured to myself. "I need your strength, Mom," sabi ko pa. Doon bumukas ang pintuan at sumilip si Rasha. "The car is ready," anito. "Susunod na ako." I replied. Tumango ito at inilapat na pasara ang pintuan. Muli kong pinasa