PABALIKWAS akong bumangon nang magising ako. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto and I realized that I was in my room. Sinapo ko ang aking sentido kuwa'y inalala ang mga nangyari. Naikuyom ko ang aking kamao nang maalala kung papaano ako napahiya sa harap ng aking pack.
"Damn that outsider!" I murmured.
Para akong batang nagpapadyak sa ibabaw ng kama. How come he can beat me just like that? I'm the Alpha, ako ang dapat na malakas pero bakit gano'n?
Napa-ungol ako sa sobrang inis.
Tumuon ang aking paningin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Violet na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Inilapag nito ang tray sa lamesa na nasa gilid ng kwarto.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Alpha?" she asked.
"Where the hell he is?" tanong ko naman imbis na sagutin ito.
"Umalis na ho siya, Alpha."
I growled. "What! You let that asshole go after what he did to me?" bulyaw ko sa kaniya na kinapiksi niya.
"The pack warrior's trying to stop him but they failed," halos pabulong nitong sabi pero rinig na rinig ko 'yon na lalong nakadagdag sa pagkainis ko.
Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga. "Anong balita sa pagpunta mo sa kabilang distrito?"
"Masyado ho silang mahigpit. Hindi nila ako hinayaang makapasok," sagot nito.
Muli ko nasapo ang aking sentido. Bakit ba masyado akong apektado sa lalaking 'yon?
Bwisit!
"Ano ang nasa kabilang distrito?"
"It was a district of Alta Montaña. The legendary town of the Lycans," Anito. At tulad ko ay nababakas sa kaniyang muka ang hindi pagkapaniwala.
Papaanong doon nangaling ang lalaking iyon gayong isa lang naman itong tao? Ang nakapagtataka papaano siya nagkaroon ng gano'ng lakas? At ang mas nakakapagtaka pa bakit siya nahulog mula sa mataas na lugar na 'yon? May humahabol ba sa kaniya at gusto siyang patayin?
Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang pagkainis. Binulabog ng lalaking iyon ang buhay ko kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung saan siya nagmula at kung ano ang meron sa kaniyang pagkatao.
"The legendary town of Lycans..." anas ko.
Marami na rin akong naririnig mula sa distritong iyon pero noon ay hindi ko binibigyan ng pansin ang lugar na iyon pero ngayon para akong nagkaroon ng interest na puntahan ang lugar na iyon dahil sa impaktong lalaking iyon.
Umalis ako sa ibabaw ng kama at dumiretso sa balkonahe kuwa'y tinanaw ang malawak na lumapin ng Howling Point.
"Violet," tawag pansin ko sa kaniya.
"Yes, Alpha?"
"Ihanda mo ang bigbike ni Mom. Pupunta ako sa Alta Montaña, ako mismo ang aalam sa pagkatao ng pangahas na lalaking iyon."
"Ho?" hindi makapaniwalang anito.
"Gusto ko ring subukan kung gaano kalakas ang mga Alpha ng Alta Montaña. I want to meet those legendary Alphas." Sumilay ang ngisi sa aking mga labi.
INIHINTO ko ang bigbike sa gilid ng daan kuwa'y tiningala ang malaking karatula. "Alta Montaña..." Basa ko kuwa'y tipid na ngumiti bago muling pinatakbo ang motor.
Madilim ang paligid gawa din ng nakatago ang bilog na buwan sa makapal na ulap. Hindi katulad sa Howling Point na kahit umaga ay bahagyang pa ring nakasilip ang buwan. At nagpapasalamat kami dahil doon.
Muli kong hininto ang motor sa gilid ng malaking bilog na fountain at merong limang bayan ang distritong ito. Hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa name post na nasa dulo ng daan na ang nakalagay ay Garrette, parang merong humihila sa akin papunta sa lugar na iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid bago ko muling pinaandar ang motor papasok sa Garrette. Ilang minuto pa ang tinahak kong kalsada bago ako makakita ng malaking tarangkahan.
Hindi nagtagal, bahagya 'yong bumukas at may sumilip na isang lalaki na may dalang malaking flashlight at itinutok iyon sa akin.
"Sino ka?" masungit nitong tanong. Ganito pala kahigpit sa lugar na ito?
"Hindi ikaw ang gusto kong maka-usap. Nasaan ang Alpha ninyo, siya ang gusto kong maka-usap."
Tumawa ito ng pagak. "Ang lakas naman ng loob mo. Sino ka ba sa akala mo?" anito na tuluyang lumabas at may kasama na ito.
"Anong problema dito?" tanong naman ng isang lalaki na lumabas. Tantya ko na nasa mid forties na ito.
"Beta..." Tawag nila dito.
Kunot noong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik sa aking mukha. Medyo naningkit ang kan'yang mga mata. Sigurado akong naamoy niya na hindi ako isang ordinaryong tao.
"Anong kailangan mo?" matigas ang boses na tanong nito.
"Hindi ikaw ang gusto kong maka-usap kundi ang Alpha ninyo," diretsa kong sabi na lalong kinasingkit ng mga mata nito.
"Hindi tumatanggap ng bisita ngayon si Alpha. Bumalik ka na lang bu-"
"I want it now." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin kuwa'y bumaba ako sa motor at namaywang sa harapan ng mga ito.
Ngumisi ang aking kaharap. "Kung gano'n maghintay ka dito hanggang bukas."
"Hindi ka ba maka-intindi? Ang sabi ko gusto ko maka-usap ang Alpha ninyo dahil merong isang lalaki ang basta na lang pumasok sa teritoryo ko ng walang paalam!" Hindi ko na mapigilang taasan sila ng boses.
Maikli lang talaga ang pasensya ko.
Nangunot ang noo nito at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagbuga ito ng hangin. "Okay, pag-uusapan natin iyan miss but not now. We can talk about it tomorrow. Now, excuse me..." anito na humarap na sa mga delta.
"Isara niyo na iyan," utos nito.
Tumaas ang isang kilay ko.
Seriously?
Pagsasarahan ba talaga ako ng mga unggoy na ito? Ni hindi man lang ako inalok na pumasok? Anong klaseng pag-uugali meron sila?
Inis na napa-ungol ako. Hindi pwede na tratuhin nila ang Alpha ng Howling Point ng ganito.
Humakbang ako palapit at bago pa tuluyang mailapat pasara ang tarangkahan ay nahawakan ko 'yon at galit na hinila 'yon pabukas.
"Ang ayoko sa lahat ay 'yong tinatalikuran ako," angil ko na hinawakan sa leeg ang isang lalaki at malakas itong inihagis sa pader at dahil sa lakas ng impak ay nawasak 'yon.
Sumugod ang isa pang lalaki pero mabilis ko siyang nailagan at malakas na tinuhod siya sa kaniyang sikmura at tulad sa nauna ay inihagis ko din ito sa pader.
Sabay naman na sumugod ang dalawang lalaki pero bago pa nila ako mahawakan ay nagilitan ko na sila sa leeg gamit ang matatalim kong kuko. Firra is always ready for this.
Nanlilisik ang mga matang tumingin ako sa tinawag nilang Beta. Binigyan ko siya ng isang mapanuyang tingin.
"Don't try me, woman. Hindi ako pumapatol sa baba-" ito ng pangalawang beses na may nagsabi sa akin nun.
Bago pa niya matapos ang dapat sabihin ay mabilis ko siyang sinugod pero bago ko pa matamaan ang kaniyang mukha ay nahawakan na nito ang pulso ko at pinaikot at sa isang iglap ay sakal na ako ng braso nito.
"Kung sila natalo mo, pwes ako hindi. Huwag mo ubusin ang pasensya ko mis-"
Hindi ko na ulit siya pinatapos pa. I let Firra take over me. Kasabay ng pagbabago ko ng anyo ay ang pagkagat ko sa kaniyang braso. Umungol ito ng malakas kasabay niyon ay ang pagpapalit din nito ng anyo.
They're a Lycan. Ngayon lang ako nakakita ng katulad nito. I groaned. Kung matatalo ko ang isang ito may posibilidad na makakaya ko din talunin ang Alpha nila. Pasugod na sana ako sa kanya nang may tumama sa tagiliran ko na isang malamig na metal na nagpabagsak sa akin.
"WHERE have you been Hijo?" bungad sa akin ni Mom pagkapasok ko pa lang sa mansion. Naka-upo silang tatlo sa sala.
Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag na nahulog ako sa kabilang distrito dahil sa kagustuhan kong makita ang estrangherang babae.
"And what happened to you huh, son?" Tumayo si Mom at humakbang palapit sa akin kuwa'y hinawakan ang may bakas na dumi sa aking damit. Dahil 'yon sa pagkalaglag ko sa ilog at sa pakikipaglaban ko sa babaeng Alpha.
"It's nothing," maikli kong sagot.
"Saan ka ba nagpunta, Hades? Nag-alala kami sa'yo dahil umalis ka ng walang paalam!" si Hera pero hindi ko siya pinansin.
"Aakyat na ho ako," ani ko na akmang lalagpasan si Mom ngunit mahigpit akong hinawakan ni Lion sa braso.
"Huwag kang bastos," tiim bagang na sabi nito.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Let go, Lion."
"Halos hindi nakatulog si Mom sa pag-aalala niya sa'yo tapos uuwi ka na parang wala lang?"
"Lion, I said, let go," I warned him.
"Isipin mo din sana na nag-aalala sa'yo ang mga tao dit-" galit na sinakal ko siya.
"Hades, ano ba!" Si Hera na malakas akong tinulak sa dibdib palayo dahilan para mabitawan ko si Lion.
"What happened to you, Twin? Is there something wrong?" buong pag-aalalang tanong ni Hera. "I can help you to calm down if you want," anito na akmang hahawakang niya ako pero mahina kong tinabig ang mga kamay niya.
"Don't use that in me. Just let me go up to my room. I want to rest."
Fuck! Nakakapagod talaga ang pagbabago ng anyo.
"Okay. But please next time, subukan mo naman magsabi kahit kay Mom kung saan ka pupunta at hindi kami nag-aalala ng ganito," malumanay pero may diing sabi ni Hera
Tumawa lang ako nang pagak at nagpatuloy sa paglalakad.
"If it's about for being an Alpha, hindi na kita pipilitin sa ayaw at sa gusto mong gawin. I'll let you choose what you want. I'm sorry," sabi ni Dad na nagpatigil sa paghakbang ko.
"Don't hate your self for being a vampire, Son. Your Mother is a vampire too but I love her the way she is and I'm lucky to have her in my life, at kayong magkakapatid ay blessings sa amin ng Mommy ninyo," sabi pa niya.
Naikuyom ko ang aking kamao. Ayoko man maging ganito sa kanila pero kung minsan hindi ko maiwasang ayawan ang aking sarili dahil minsan na akong naging malupit at ako mismo ang naging saksi niyon. Inilihim na lang ni Heves sa mga magulang ko ang tungkol doon.
Magsasalita pa sana ito nang makarinig kami ng isang alulong.
"Cage, what happened?" Si Dad na kausap ang beta niya through mind link.
"Merong isang female wolf?"
Nangunot noo ako. Female wolf? Agad akong natigilan nang maalala ko ang kulay ng wolf na nakaharap ko sa Howling Point. Hindi kaya...
"Kulay puti ba ang kulay ng lobo na tinutukoy ni Beta Cage?" Tanong ko kay Dad na sandaling ikinatigil nito at tumingin sa akin.
Tinanong niya iyon kay Beta Cage mula sa kaniyang isipan. "Yes, she's a white golden wolf."
Nakuyom ko ang kamao ko. May katigasan din talaga ang ulo ng babaeng iyon at nagawa pang sundan ako dito. Hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo at dito pa talaga sa Garrette gagawa ng kaguluhan.
Nanlilisik ang mga matang humakbang ako palabas sa mansion at mabilis akong tumakbo papunta sa lugar ng pinangyayarian. Si Dad naman ay sumakay sa kanyang Macchia Nera at mabilis din 'yong pinatakbo.
HINGAL na hinawakan ko ang nagdudugo kong tagiliran habang pilit na tinatakpan ang aking kahubaran. Buti na lang at bahagyang madilim ang paligid kaya hindi gano'n kabulgar ang katawan ko.
"Sh*t!"
Tiningala ko ang lalaking huminto sa aking harapan. Ngumisi ito kuwa'y marahas na dinakmal ang buhok ko. "Beta, anong gagawin natin sa isang ito?"
"Parating na si Alpha, dalhin siya sa underground cell," sabi nito na hawak ang nangdudugo niyang braso.
"Pwede bang tikman ko muna ang isang ito bago ko-"
"Kung ako sa'yo bibitawan ko na siya ngayon din, Delta," Anang isang baritonong boses.
Tiningnan ko ang isang bulto na lumabas mula sa madilim na bahagi ng lugar na iyon. Puti ang kanyang buhok at kulay pula ang kaniyang mga mata, but I know him. Hindi ako pwede magkamali. Marahil merong pagbabago sa kaniya pero alam kong siya iyon at hindi ako pupwedeng magkamali.
Agad akong binitawan ng manyak na lalaki kaya muli akong bumagsak sa lupa.
"Hades, kilala mo ba ang babaeng ito?" Tanong ng tinawag nilang Beta.
So, Hades pala ang pangalan nito? Pero anong nangyari sa kaniya? Bakit nagbago ang kaniyang itsura?
"Sabihin nating ganu'n na nga, Beta Cage, pwede bang ibalato mo na sa'kin ang isang ito?" anito na huminto sa aking harapan.
Pero bago pa man makasagot ang Beta ay binuhat na ako nito at mabilis kaming nakaalis sa lugar na 'yon. Dahil sa maraming dugo na ang nawala sa akin, hinatak ako ng kadiliman pero hindi pa rin naalis sa aking isipan ang katanungan na...
Sino ba talaga ang lalaking ito?