DAHIL matigas ang ulo ko kahit sinabihan ako nila Mom na hindi ko na dapat pang kilalanin ang babaeng iyon.
Kagabi, hindi ko magawang makatulog agad dahil hindi ko pa ri maialis sa isipan ko ang babaeng iyon lalo na ang dugong naamoy ko mula sa kaniya, kaya bumalik ako kinabukasan sa lugar kung saan ko nakita ang estrangherong babaeng iyon.
Nakayuko at maingat ang bawat hakbang na ginawa ko palapit sa hangganan ng Garrette patungo sa hangganan ng kabilang destrito.
Awtomatikong bumilis ang kabog ng puso ko nang muli kong masilayan ang estrangherang babae na masayang naliligo sa ilog. Pero hindi katulad kahapon parang wala na siyang ipekto sa akin.
Kumikintab sa sinag ng araw ang kayumanggi niyang balat at sinasayaw naman ng hangin ang mahaba niyang buhok. Kapansin-pansin din ang magandang hubog ng kaniyang katawan lalo pa't wala siyang suot na kahit na anong saplot.
"Sh*t!" mabilis akong nagtago nang tumingin siya sa direksyon ko. Ang mga lobo ba talaga malakas ang pakiramdam?
Nang sa tingin ko hindi na siya nakatingin sa gawi ko ay muli akong sumilip pero nangunot ang noo ko nang hindi ko na siya nakita sa kinatatayuan niya.
Lalo akong dumukwang para hanapin siya sa buong paligid pero wala talaga. Nang akmang tatayo na ako para umalis ay bumigay ang lupang kinaroroonan ko at mabilis ako bumaksag papunta sa ilog.
Mabilis akong lumangoy pataas at sa pag-ahon ko nakaramdam ako na tila biglang paghina ng katawan ko at pagsikip ng dibdib ko. Nang imulat ko ang aking mga mata doon ko nakita ang hindi masyadong klarong buwan.
Nasapo ko ang dibdib ko nang lalo iyong kumirot. Muli akong lumubog sa tubig at kahit na pilit akong lumangoy ay hindi ko magawa. Nasapo ko ang aking leeg nang wala na akong hangin. Umangat ang kamay ko na parang may inaabot pero hinatak na ako ng kadiliman...
WHAT the heck!
Ngayon na nga lang ako nagkakaroon ng oras para magpahinga, may istorbo pa? Nitong mga nakaraang araw ay subsob ako sa pag-eensayo kasama ng mga bagong miyebro ng pack. Tapos ngayon may asungot pa?
"Hoy! Kung sino ka mang bwisit ka, umahon ka na dyan!"
Sigaw ko pero ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa rin umaahon kaya bigla akong sinugod ng takot. Hindi kaya nalunod na kung sino man iyon?
Kapag minamalas ka nga naman oh, oh!
Kahit na nagdadalawang isip ako ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumalon sa ilog at hinanap ang taong sumira ng araw ko.
Natagpuan ko itong walang malay na patuloy na lumulubog. Bago pa siya tuluyang maagos ng ilog ay inabot ko ang kamay niya at buong lakas na hinila ito paahon pagkatapos ay dinala ko siya sa mabatong bahagi ng ilog.
Kurap-kurap na tinitigan ko ang lalaking walang malay na nasa aking harapan. His thick eyebrows, his pointed nose na parang sinadyang hinulma. His reddish lips, na parang kaysarap halikan. Para akong kinilabutan sa naisip kong iyon.
Ano ba itong mga naiisip ko?
Natigilan ako nang dumilat siya. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko ang bughaw niyang mga mata na para bang namamagnet akong titigan 'yon pero hindi nagtagal ay muli itong pumikit at muli na namang nawalan ng malay.
"STOP staring at him, Firra!" Saway ko sa aking inner wolf.
Buntong hiningang nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto.
Sino kaya ang lalaking ito at saan siya nanggaling? He's not a werewolf or a lycan. I can smell it. Pero kung tao ito, papaano ito napunta sa Indigo Forest?
Mga tanong sa isip ko na gusto kong masagot, dahil ang ayoko sa lahat ay nag-iisip ako tulad ng ganito. Parang gusto ko na tuloy gisingin ang estrangherong ito at paulanin ng maraming katanungan.
Mula sa malalim kong pag-iisip ay doon bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Violet.
"Do you find anything about him?" agad na tanong ko sa kanya. Umiling ito.
"Negative. Pinakita ko na sa registration office sa Howling Point ang picture ng lalaking ito pero walang tumutugma sa kaniya," sagot niya na ikinakunot ng noo ko at tumingin sa natutulog pang estranghero.
So sino ang lalaking ito?
"Hindi kaya nanggaling ang lalaking ito sa kabilang distrito?" aniya. Bumaling ako sa kaniya kuway pinag ekis ang mga braso sa tapat ng aking dibdib
"Maybe. Bumagsak ang lalaking ito sa harapan ko, kung hindi ako nagkakamali sa kaputol ng kabilang destrito siya nanggaling."
Lumaki ang mga mata nito. "Bumagsak sa harapan niyo habang naliligo kayo, Alpha?"
I rolled my eyes. Lumalawak na naman ang imahinasyon nito.
"Pumunta ka sa kabilang distrito to make it sure if this man is belongs to that district, kung wala pa rin siya sa registration office nila, tsaka ako iisip ng panibagong hakbang. For now, lagyan mo siya ng posas para makasigurado tayo na hindi siya gagawa ng masamang hakbang." Final kong utos bago ako humakbang palabas ng kwarto.
Kapag nalaman kong espiya siya sa ibang distrito sisiguraduhin ko ang kamatayan niya. So what kung gwapo siya? Napahinto ako sa sinabi ng isipan ko.
No! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito! Pinilig ko ang ulo ko bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
KUMIKIROT ang ulo ko nang magising ako pero muli lang akong napa pikit nang tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw na tumatakas mula sa bintana ng kwartong iyon. Nasapo ko ang aking sentido nang muling kumirot iyon.
Sh*t!
Pero natigilan ako nang ma-realize ko na hindi pamilyar sa akin ang kwarto na kinaroroonan ko ngayon. Mariin akong pumikit kuway inalala ko ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.
Pero nasaan ako?
Idinilat ko ang mga mata ko kuway inilibot ang tingin sa kabuohan ng maliit na kwarto. Babangon na sana ako nang mapagtanto kong naka posas pala ang isa kong kamay.
What the hell?!
Pinilit kong iyong kalasin pero ang nakakapagtaka ay bakit hindi ko magawa? Bumangon ako sa kanang bahagi ko dahil nasa kanang pulso ko ang kadena. Tumapat ako sa may kalakihan na salamin at gano'n nalang ang gulat ko nang makita ko ang aking kabuohan.
My white hair turns to black and my red eyes turns to blue. Hindi ako maka paniwala habang tinititigan ko ang sarili ko mula sa reflection ng salamin. Papaanong naging tao ako? Tirik ang araw pero anyong tao ako?
Natigilan ako nang maalala ko yung buwan na naka silip kahit maaga pa. Ano bang lugar ito at kahit na tirik ang araw ay meron paring buwan na naka silip sa kalangitan
Sh*t! I can't stay like this.
Malakas kong kinalambag ang kadena para maglikha ng ingay. Sa ilang sandaling pag-iingay ko doon padarang na bumukas ang pinto at ang madilim na awra ng isang babae ang sumalubong sa akin. Pero nawala ang atensyon ko doon kundi napunta sa berde niyang mga mata.
Humakbang siya palapit sa akin at walang salita na sasampalin niya ako pero bago pa tuluyang lumapat ang palad nito sa pisngi ko ay napigilan ko na iyon.
What is her problem?
Kahit na nasa anyong tao ako ay tinuruan pa rin ako ni guro na makipaglaban. Lahat ng uri ng martial arts ay tinuro nito sa akin, para daw sa kaligtasan ko lalo na kapag nasa anyong tao ako.
Tila naman ito nagulat sa ginawa ko na para bang ngayon lang na may pumigil sa kaniya sa isang bagay na gagawin nito.
Pero ang lubos kong pinagtataka kung bakit hindi na apektado ang katawan ko sa prisensya niya?
"Don't try woman," I said sarcastically.
Galit nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak ko. "Who the hell are you? Papaano ka napadpad sa Indigo forest? Are you a spy?" Sunod-sunod na tanong nito.
Tinaasan ko siya ng kilay kuway marahan na umiling. "Spy? Are you kidding me?"
"Kung gano'n, sino ka? At paano ka napadpad sa indigo forest?" Tiim ang bagang tanong nito.
"It's a long story. But I assure you that I'm not a spy."
Sasagot na sana ito nang may pumasok na isang babae.
"Alpha," tawag nito sa babaeng kaharap ko.
Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang babaeng kaharap ko ngayon. Ang babaeng ito ay isang Alpha?
Kung Alpha ito edi ang lugar na kinalalagyan ko ngayon ay lugar din ng mga Lycan o lobo? Pero hindi pa rin ako makapaniwala na isang babae ang Alpha ng distritong ito.
"So, you are an Alpha?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi ito. "Nandito ka sa distrito ng Howling Point, Mr who ever you are! I'm the Alpha of the Whitefang pack."
LIHIM akong nagdiwang nang makita ko ang pagkabigla sa kan'yang mukha.
I got him.
Ganyan nga dahil dito sa teritoryong ito, ako ang batas at ako ang kinatatakutan. I smirked. Nasisiguro ko ngayon na nanginginig na ang mokong na ito sa sobrang takot nang malaman niya na isa akong Alpha.
Ngunit hindi ko inaasahan na mali pala ako ng akala. Laking gulat ko nang ngumisi siya. My eyes squinted. Pinagtatawanan ba ako ng kumag na ito? Gusto yata niyang makatikim ng dose-dosenang suntok.
Tinaasan ko ng kilay ang ungas. "Why are you smiling?"
Tumikhim ito at pilit na sumeryoso. "Okay, tanggalin mo na itong posas at aalis ako ng mapayapa para wala na tayong maging problema."
Lalong umarko ang aking mga kilay. "Excuse me? Inuutusan mo ba ako?"
Nagbuntong hininga siya na parang pinipigilan ang mainis. "I'm not. Nakikiusap ako miss..."
Sandali itong tumitig sa muka ko kapag kuwa'y bumaba ang tingin nito sa bandang dibdib ko. Bigla tuloy akong na-asiwa sa suot ko sa mga sandaling iyon na itim na sports bra at itim din na leggings. Pinag-ekis ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib para matakpan 'yon sa paningin niya.
"...who ever you are," Patuloy nito na inikot ang mga mata.
"Hoy!" Dinuro ko ang ungas. "Ang pagkahulog mo pa lang sa ilog ng Indigo Forest ay isa ng problema! Hindi mo ba alam ang patakaran ng bawat teritoryo?" Pero imbis na matinag ito ay mas lalong sumeryoso ang anyo niya.
"Wala akong panahon sa mga sinasabi mo, miss Alpha," He mocked. "All I want is to get out of here and far away from you," He added.
"Abat!-" ramdam ko ang pag-init ng muka ko at kasabay ni'yon ay ang pagbago ng kulay ng mga mata ko. Firra wants to take over my body, dahil kahit man siya ay umiinit na ang ulo.
"Alpha..." Si Violet, ang Zeta ko. Pilit nitong kinukuha ang atensyon ko dahil kilala niya ako sa pagiging maikli ang pasensya.
"Sino ka ba? Saang distrito ka nagmula?" muling tanong ko sa kaniya.
Kanina ko pa ito tinatanong ngunit hindi nito iyon sinasagot. Malapit na talagang maubos ang pasensya ko sa lalaking ito.
"You don't need to know who I am. Just remove this f*cking chain and let me out of this place!" Sigaw nito na lalong nagpainit ng ulo ko.
No one can ever shout at me the way he did right now. Talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensya ko.
Ayoko sana gawin ito, but he left me no other choice. Susubukan ko ang kaangasan ng lalaking ito, at sisiguraduhin kong magkakandabali-bali ang mga buto niya. Bahagya kong binaling ang aking ulo kay Violet pero ang matalim kong mga mata ay naka tuon pa rin sa estrangherong lalaki.
"Remove the chain off him and bring this mutt into the ring match," sabi ko deretsong tumingin sa impaktong lalaking na ilang hakbang lang ang layo sa akin.
"We have a death match Mr. Who ever f*cking you are! Sigurduhin mong may ibubuga ka kung hindi, you'll die right here, right now. Firra will kill you the way she wants." I gave her a deadly look before walking out of the room.
"Prepare the ring match, we will having a death match!" sigaw ko sa mga packwarriors na sumalubong sa akin at agad namang sinunod ng mga ito ang ipinag-uutos ko.
Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng lalakeng iyon ang kalapastanganan niya nang sigaw-sigawan ako. Ang kapal ng muka ng estrangherong iyon para gawin sa'kin iyin. Matitikman niya ang paghihiganti ko.
I CRACKED my neck as I saw him being dragged by my packwarriors. Tuluyang nagsigawan ang mga manonood nang maka-akyat na ito sa loob ng hugis parusukat na ring pero imbis na takot ang makita ko sa mukha ng ungas ay parang balewala lang dito ang magaganap na labanan.
"What's this?" may halong pagtataka at pagka-irita sa boses na tanong nito.
"Death Match," I replied deadpanned.
"Seriously?" Tumawa ito ng pagak. "Hindi ako pumapatol sa babae kahit isa ka pang Alpha."
"Are you insulting me, Mr. Who ever you are?"
"May pangalan ako-"
"I don't f*cking care who you are. Let's just start the fight!" Muli kong pinaputok ang mga litid sa aking leeg at hinanda ang aking sarili para sa magiging laban.
Nang sa wakas ay tumunong ang bell ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
Inihanda ko ang aking kamao at sinugod ito ng isang malakas na suntok pero walang kahirap-hirap na kinulong lang nito sa palad ang kamao ko.
"Sinasabi ko na sa'yo, hindi kita lalabanan," anito na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuaan niya.
I hissed.
Binawi ko ang kamao ko mula sa kaniya kuwa'y binigwasan ito sa kaliwa ngunit mabilis niya iyong naiwasan nang hindi umaalis sa kinatatayuan niya.
Damn it!
Pataas akong sumipa pero sinalag lang ng braso nito ang aking atake. Nakaramdam na ako ng pagka-inis na dahil hindi ko pa rin magawang mapaalis sa kanyang kinatatayuan ang kumag.
Hindi ito pwedeng mangyari. Lalabas na kahiya-hiya ako sa harap ng aking pack at iisipin nila na isa akong talunan at isa akong mahina.
Sa buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang magpalakas. Wala akong ibang gusto kundi ang lumakas at lumakas pa sa mas pinakamalakas. Bilang isang Alpha Female, hindi ako maaaring maging mahina sa paningin ng aking nasasakupan dahil ako ang kanilang lakas at ako ang pader ng Whitefang pack. Ang pader na hindi dapat magiba ng sino man.
Umuungol na itinuloy-tuloy ko ang pag-atake sa lalakeng nasa aking harapan pero lalo lang nadadagdagan ang pagkainis ko dahil wala pa rin nagbabago sa posisyon niya. Naramdaman ko na unti-unting ng lumalabas si Firra dahil sa frustration niya na matamaan man lang kahit isa ang lalaking aming katunggali.
Kasabay ng pagbago ng kulay ng mga mata ko ay ang pagpapakawala ko ng malakas na upper hook pero hinuli lang nito ang pulso ko. Saglit na nagtama ang aming paningin ngunit ni hindi ko mahulaan ang gagawin nitong hakbang. Hanggang sa kumilos ito at pinaikot ako upang ikulong sa kanyang matipunong mga bisig.
What the hell!
Sisikuhin ko sana ang sikmura niya pero mas naging maagap ito. Hinuli din ng hangal ang isa kong pulso, pinilipit iyon at pinigil sa aking likuran.
"Itigil mo na ito dahil wala kang mapapala," wika nito na tumama ang mainit na hininga sa sensitibong balat ng aking leeg na nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot.
I growled.
Pilit akong kumawala mula sa pagkakahawak nito pero hindi ko magawa. Si Firra na kanina pa gustong lumaban ay heto at bigla na lang kumalma sa hindi ko malamang dahilan.
I snapped at her.
What the hell Firra!
"Pakakawalan kita pero itigil mo na ang kalokohang ito. Aalis ako ng payapa kung iyan ang gusto mo," pahayag ng lalakeng kauna-unahang nakapigil sa aking lakas at hinintay ang itutugon ko.
Pero sa halip na sumagot ay ibinuhos ko ang natitira kong lakas upang kumawala mula sa mga kamay niya at nagtagumpay akong gawin 'yon. Umikot ako para bigyan siya ng isang malakas na sipa pero sinalag lang nito 'yon. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa gwapo niyang mukha na ngayon ay nagdidilim dahil sa inis.
"Don't push me to my limit lady..." Pagbabanta nito na marahas na pinakawalan ang binti ko.
Taas-baba ang dibdib ko na nangagalaiti sa galit. Sino ba talaga ang lalaking ito? Isa lang siyang tao pero bakit kakaiba ang taglay niyang lakas? Pinilig ko ang ulo ko. Hindi dapat ako madistract sa kanya, ang dapat kong isipin ay kung papaano ko siya matatalo.
I smirked. Ngayon lang ulit ako naka ramdam ng ganitong excitement sa isang laban. Sisiguraduhin kong mapapatumba ko ang lalaking ito. Pinatunog ko ang mga buto ko at humanda sa pagta-transform.
I grumbled when I shifted into my wolf form. Pero imbis na humakbang paatras ang estrangherong lalaki ay humakbang ito palapit sa akin at sa isang iglap ay hinawakan nito ang aking leeg at may inipit na ugat roon dahilan para manghina ako at pahigang bumagsak sa sahig ng ring kasabay ng pagbabalik ng katawan ko sa dati nitong anyo.
Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay naaninag ko pa na hinubad nito ang leather jacket niya. Ibinalot nito iyon sa aking katawan saka walang kahirap hirap na ako'y binuhat. Nanlabo na ang paningin ko at ang sunod na nangyari ay hindi ko na halos natandaan pa.