FRANCHESKA'S POV "Dad!" Gulat ako nang papasok pa lang sana ako sa office ni Daddy ay bigla na itong bumukas at iniluwa siya dito na tila nagmamadali. Nilampasan lang ako. Kaagad ko siyang hinabol. "Dad! Where are you going?" "Si Mariel daw naaksidente." Napatigil ako sa paglalakad. Napamaang kung bakit ganito na lang ang pag-aalala ni Daddy kay Mariel. Kung umakto siya ay tila isa sa importanteng tao sa buhay niya ang nasa bingit ng kamatayan. Hindi ko siya kailan nakita na nataranta ng ganito. Kilala ko si Daddy bilang kalmadong tao. May hindi ba ako nalalaman? Masyado ba akong nakampanti kaya hindi ko binantayan si Daddy? Ilang segundo pang tulala ako, nang matauhan ay mabilis akong humabol kay Daddy. "Sasamahan na kita, Dad!" Tumango lang siya. Paglabas namin ng building ay n

