FRANCHESKA'S POV Ngayon ang araw para ideklara sa publiko ang partnership ni Daddy at Melvin. Mga piling bisita lang ang dumalo sa pagtitipon na ito at karamihan ay media. Kailangan kasi sila for the exposure of the project. It's a part of the marketing plan. I-introduce na ang visuals ng malaking highland hotel. Handa na rin ang video presentation. Dumating na sina Daddy and Melvin, anytime from now ay magsisimula na i-play ang video. Iyon kasi ang magsisilbing introduction. Kasama ko si Harvey sa special event na ito. Kailan ko pa nga pa pilitin at kulang na lang hilahin para isama dito. Ayaw ko naman sana maging rason ang event na ito sa insecurity ng asawa ko pero it's my silent way of telling the public about our relationship. "Wait, here." "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Harvey

