FRANCHESKA'S POV "Hindi tayo magpapaapekto, right?" Nangangambang tanong ko kay Harvey nang buhat sa aming likuran ay naririnig namin ang pag-uusap ng isang grupo. Tungkol sa nangyari sa event noong nakaraang gabi ang topic nila. Lahat sila nanggigil sa galit sa'kin. Wala raw akong awa. Alright, tanggap ko na kung ano pa man ang sasabihin nila. Pero masakit para sa akin na pati si Harvey ay nadadamay. Hindi lang ang grupo na nasa likuran namin ang nagsasabi na gold digger ang asawa ko kundi karami. Mayroon na lumalabas na article na kaya lang daw ako pinatulan dahil sa pera. Ayaw kong makaapekto sa aming pagsasama ang issue lalo na't noon pa man ay nakakaramdam na ng panliliit si Harvey dahil sa malayong agwat ng estado namin sa buhay. Nakita ko kung paano na napatagis-bagang si Harve

