FRANCHESKA's POV Matagal-tagal na rin buhat nang magkaroon kami ng bonding time ng parents ko kaya masaya ako ngayon. Plus, kasama ko pa si Harvey. Nasa picnic groove kami na parti ng Tagaytay at pagmamay-ari rin naman. Nagdesisyon si Daddy na buksan ng libre sa publiko ang lugar na ito bilang pasasalamat na rin sa magandang takbo ng negosyo namin. Iyon nga lang ay limitadong tao lang ang makakapunta para hindi masira ang kapaligiran. Kailangan muna mag-book para makakuha ng cottage. Linggo ngayon kaya fully book ang picnic groove. Maraming pamilya na masayang nagba-bonding mapa-mayaman o mahirap. Nagawan ko na ng paraan para ma-i-send ang picture kay Rick Davies. At wala na akong balita kay Mariel buhat noong makita ko sila ni Mayor Legazpi sa restaurant. Sa totoo lang, hindi ako mapa

