FRANCHESKA'S POV Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari lalo na't hindi pa rin ako binibigyan ng paliwanag ng parents ko kung bakit sa kabuan ng pagkakahospital ni Mariel ay hindi sila umalis sa tabi niya. Limang araw lang ang tinagal ni Mariel sa ICU. Inilipat din kaagad siya sa private room. At ngayon ay unti-unti ng naka-recover pero ayon kina Mommy ay hindi pa rin siya makunan ng statement dahil hirap pa rin siya sa pagsasalita dahil sa malaking tahi sa bibig sanhi nga ng sugat. Hindi ko pa nabibisita si Mariel. Hindi ko kaya. Noon pa lang nang makita ko siya sa ICU ay parang binabangunot na ako. Hindi matanggap sa utak ko ang hitsura niya. Binabagabag ako ng konsensya. Lagi rin dinadalaw ng asawa ko si Mariel. Nagbibigay siya ng suporta dahil kinailangan pa daw dumaan sa psychia

