FRANCHESKA’S POV Pinagmamasdan ko ang natutulog na si Harvey at buong suyo na hinahaplos ang mukha na kinababaliwan ko. Pareho kami na walang anumang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa aming katawan. Kahit mahimbing natutulog ay ramdam ang higpit ng yakap sa akin ni Harvey na tila ba takot na mawala ako. Nasa bisig niya ako at gahibla lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nasasamyo ko ang mabango niyang hininga. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko nang hinalikan sa gabing ito ang labi niya. Alas-tres na nang madalang araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko kasi ay parang nakalutang pa rin ako sa matinding kaligayahan pero kaakibat din nito ay ang pag-aalala na baka isang pagkakamali itong nagpadala na naman ako sa damdamin ko kay Harvey. Baka ginul

