FRANCHESKA’S POV Nandito ako ngayon sa hotel room nang magkasintahan Mariel at Jude. Alam ko kanina pa ako nila gustong paalisin pero hindi lang nila masabi. Pero gusto ko rin sila inisin kaya nanatili pa ako dito. Gusto ko kasi silang ma-frustrate lalo na si Jude na kanina pa tumitikhim at alam kong umaakto lang na humihikab kaya mas lalo pa akong ginaganahan na inisin siya. Binuksan ko pa ang T.V at prenteng umupo sa sofa habang may hawak na glass of wine. “May TV naman sa hotel room mo, ha?” Hindi na napigilan ni Mariel ang sarili. “Yes pero mas gusto ko dito dahil may kasama ako.” “Doon ka kina Tito at Tita.” “Nakakaawa naman kung pagpupuyatin ko sila.” “So kami ang pupuyatin mo ngayon?” “Sandali lang ako dito,” ingos ko. “Magdadalawang oras na iyang sandali mo.” Ngumisi lan

